chickenscratch

Monday, February 26, 2007

Mahirap ang Post na Ito

The Grass Eaters ni
Krishnan Varnan

Isang guro si Ajit Babu. Asawa niya si Swapna. Una silang tumirang mag-asawa sa isang sidewalk. Sobrang daming tao sa nasabing lugar. Isang araw nagising na lang si Ajit na isang matandang babae na ang katabi sa halip na ang asawa. Nagalit ang asawa nito, kaya napadpad sila ni Swapna sa isang freight wagon. Ang problema, sa ibang lugar na sila pagkagising. Ilang beses iyong nangyari, at kinailangan nilang magcommute pabalik ulit sa Calcutta. Pero isang araw hindi na pumayag si Swapna. Nagdadalantao kasi ito, at namatay na ang nauna nilang tatlong anak dahil sa kawalan nila ng permanenteng tirahan. Pumayag si Ajit at natuwa ang asawa. Sinuggest niya sa platform, sa tulay, sa isang water tank. Walang pumasa kay Swapna. Naisipan ni Ajit sa pinagtuturuan niyang eskuwelahan. Nang papunta na sila sa eskuwelahan, nakadaan sila sa isang concrete pipe. Doon na sila tumira. Hindi makapaniwala ang tatay ng batang bilog na tutor niya na nakatira sila sa concrete pipe. Comportable sila roon kumpara sa mga dating tinirhan. Nang malaman ito ng headmaster, pinatira silang mag-asawa sa isa sa mga buildings nito. Naging “maayos” na ang buhay nila roon. May bubungan sila, mas maliwanag, at mas kakaunti ang mga peste sa kanila kumpara sa mga nasa ibabang yunit. Nanganak na ang kanyang asawa at pinangalanan nila itong Prodeep. Naging Naxalite ito. Halos wala nang dami tang mag-asawa. Damo na ang kanilang pangunahing pagain dahilsa sobrang taas na ng presyo ng bigas. Nilulugaw na lamang nila ito at kinakain kasam ng damong nilaga't nilagyan ng sili at asin. Sabi pa ng kapitbahay nila, kapag daw kaunti na ang kinakain ay makatatagal na rin raw nang indi kumakain talaga. Lumipas ang mga araw at naputulan si Ajit ng paa. Nahulog siya sa bubungan ng tren. Ilang taon ang makalipas, pagninilay-nilayan ni Ajit ang pagtira niya sa concrete pipe. Npagatanto niya na sa kabila ng mga nangyari sa kanilang buhay, ayos na siya doon. Sanay na siya sa pagkain ng damo at pagkita ng mga nagpapatayan na tao.


Failure to Punctuate
ni Justin
Isang aborsyonista si JK. Room TBA ang tawag sa clinic niya. Nasa may outskirts pa ito ng kalapit na unibersidad. Mayroon na siyang mga suki gaya ni Neferti, na mula sa iba't ibang ama ang ipinaabort. Minsan may magsyotang freshie ang lumapit sa kanya – si Juanito at isang babae na di niya sigurado kung Nerissa, Marissa, o Charisma ang pangalan. Nagback-out ang babae. Namatay sa panganganak, pati ang bata inianak. Patuloy naman siya pagraket. Isang araw, maganda ang business. Nakatatlo siyang inabort. Puwede na siyang makabili ng bike. Nakita niyang lasing si Juanito sa isang bench sa may sunken. Iniuwi niya ito sa bahay at tinulungan siya ng mga housemates niya mahimasmasan siya. Mula noon naging magkaibigan na sina JK at uanito, Pasasalubungan na siya ng mga VCD at prutas kapag dumadalaw sa bahay. Sabay na rin silang kumakain. Nakakuwentuhan pa ni JK ang nanay ni Juanito sa ChocoKiss. Matapos ang pitong buwan si JK at Juanito na. Nang mga panahong iyon, nag-iba si Juanito. Nagsususuntok siya sa pader at naninipa ng pusa. Hindi naman malaman ni JK kung bakit. Dumating ang araw ng kanilang third monthsary. Iaabort niya ulit ang pangatlong anak n Neferti. Habang hinihintay ang pasyente, dumating si Juanito. May dala itong mga bulaklak at tsokolate. Ginawa ni JK ang trabaho niya nang mabilis. Pagkatapos ng trabaho ni JK, sinurpresa siya ni Juanito sa parking lot. Dala nito ang pick-up ng tatay niya. Nagdrive sila papuntang oval, sa tapat ng College of Law. Nagpicnic sila sa gitna ng Sunken. Uminom ng sprite si Juanito at kumain naman ng saging si JK. Nakuwento ni Juanito ang CW class niya. Nagsimula silang magtalo tungkol sa bagay na kinatutuwaan ng isa't isa. Nang magdilim, bumalik na sila sa parking lot. Wala na ang pick-up. Nagpatulong sila sa pulis pero walang nangyari. Ipakikilala pala ni Juanito si JK sa tatay niya nang araw na iyon. Maraming masamang narinig si JK tungkol sa ama n Juanito. Pero tumuloy pa rin sila at nagcommute na lang. Sa may intersection, sumikip ang trapiko. May batang babaeng sumakay sa jeep. Pinunasan niya ang sapatos ng mga pasahero. Umiwas si JK. Naglabas naman si Juanito ng singkwenta pesos at sumenyas sa bata na dilaan ang sapatos niya. Pumayag ang bata. Nashock si JK, gayon rin ang ibang mga pasahero. Sa kalsada, tumutunog ang sirena ng ambulasya. May naaksidente.

---------------------------
Ang dalawang kuwento ay nakaset sa mga bansang third world na bansa. Ang una sa India, sa Pilipinas ang ikalawa. Partikular rin ang mga lugar. Sa Calcutta sina Ajit at sa Quezon City naman sina JK.


Ang “The Grass Eaters” ay tumatalakay sa kung paanong naging normal ang halos di pagkain sa isang pamilya. Sa sobrang hirap ng buhay sa lugar nila, mainam nang may maisubo sa bibig kahit pa damo. Ang kanilang existence ay subsistence na lamang. Natiis na nina ang Ajit ang kalagayan kaya't naging normal na ito sa kanila. Kahit pa nga noong naputol na ang paa niya. Sabi nga niya, kuntento na siya sa lugar nila. Hindi na bago ang mga nagsasaksakan, o kahit inang nagtatapon ng sanggol sa basurahan.


Kaugnay naman sa “Failure to Punctuate”, may temang aborsyon rin ang involved. Iyon ang business ng bidang si JK. Doon siya nakapagpundar at dahil rin doon, nakilala niya ang kasintahang si Juanito. Ang aborsyon naman ang normal kay JK. Mabilis na niya itong nagagawa, at sanay na rin sa reaksyong nakukuha. Tulad na lamang ng pagkamuhi ng mga dati niyang mga lalakeng nagustuhan nang malaman ng mga ito ang trabaho niya.


Sa kabila ng pagiging 'sanay' na nina Ajit at JK sa uri ng kanilang buhay, nagdeviate pa rin ang mga mahal nila sa buhay. Si Swapna ay nagreklamo na sa palipat-lipat nila ng lugar dahil manganganak siya. Si Juanito naman, mas komplikado. Bagamat hindi sang-ayon ay hindi niya pinigilan si JK sa trabaho. Pero nag-iba ang ugali nito, partikular sa insidente sa jeep. Maaring nag-ugat ito sa problema sa ama, marahil kung paano ipaliliwanag ang tunay na trabaho ng kasintahan niya. O di naman kaya, may problema rin siya sa trabahong iyon. At dahil tahimik siya, sa mga kilos na lamang niya naiaact-out ang kanyang dilemma.


Tinatalakay rin sa kuwento ang kamatayan, bagamat parang sa perphery lamang. Dahil mas relax ang paglalahad (at mismong haba ng teksto) sa The Grass Eaters, hindi agad mauugnay ang kamatayan. Ngunit ang uri ng pamumuhay nila, walang damit at kumakain ng damo. Ang maari nang mabuhay ng di kumain – iyon ang senyales na para na rin silang mga buhay na patay. Bukod pa roon ay tanggap na nila ang kalagayan.


Sa Failure to Punctuate, bagama mas mahaba, naging subtle rin ang tema ng kamatayan. Normal na kasi ito sa bida, at iyon na rin ang naipapasa sa mambabasa. Naging malayo ang aborsyon sa kamatayan, parang pag-alis na lamang sa halip na pagbura. Habang lumalaon ang kuwento, may mga nakasingit ring kamatayan – gf ni Juanito, nanay niya, at ang namatay sa aksidente.


Dahil abala ang mga karakter sa kanilang buhay, nasa perphery lamang nila ang kamatayan. Kahit pa mual sa punto de bista ng tiga-labas, nababalot na talaga ng kamatayan ang mga lugar/ buhay sa kuwento. Ngunit dahil nga iba ang concerns ng characters, hindi na misteryo sa kanila ang kamatayan.


Sa kabila ng mabibigat na mga paksa na nakapaloob gaya ng aborsyon, kahirapan, at kamatayan, hindi naging overly dramatic ang pagkakalahad ng mga kuwento. Naging device ang tono nitong parang slice of life o anekdota. Nasa punto de bista rin ng mga bida ang narration. Sa paraan ng kanilang pagkukuwento, hindi dinuldol ang mga paksa sa mambabasa. Iyon nga ay dahil wala nang misteryo ang mga iyon sa kanila.


Masasabing epektibo ang ganitong pag-atake sa mga paksa dahil mas naconcretize ang mga topic. Sa pamamagitan iyon ng mga nagaganap sa partikular ng mga tao, na nagpapalinaw sa ginagalawan nilang milieu kung saan nakapaloob ang mga nabanggit na paksa.

Breast-seller*

Sa Mga Suso Ng Liwanag
ni Justin

Ito ay tungkol sa buhay ng isang guro sa kolehiyo na pre-okupado ng kanyang mga problema o isyu hinggil sa aborsyon ng kasintahang nabuntis niya, sa death threath na natanggap niya at magkasunod na pagpaslang sa dalawang fratman.

Ang suso ay bahagi ng katawan ng mga mammals. Sa mga babaeng mammals, pinagmumulan ito ng gatas na nagbibigay buhay sa bagong panganak na mga mammal. Mananatili itong pinagmumulan ng kanilang pagkain hanggang sa matuto na silang magdigest ng solid foods o di naman kaya'y makakuha ng ng sarili nilang pagkain. Ito ay pantustos sa buhay, hanggang matutong mag-isa ang nilalang na nakadepende dito. Bagama't maraming bitamina at mineral ang makukuha ng batang mammal mula dito, maari rin itong maging sagabal sa buhay ng kapwa ina at anak, kung sa kaso ng mga tao ang pagbabasehan. Kapag nagngingipin na ang anak, masusugatan na ang suso ng ina. At kapag wala nang mailabas na gatas ang ina (sa kakulangan man ng sustansya sa katawan o dahil lagpas na ang panahon na dapat na pagproduce ng gatas). dugo na ang lalabas dito. Maaari rin namang mabulok ang ngipin ng bata at ma­stunt ang paglaki dahil sa labis na pagdepende sa gatas sa mga panahong nangangailangan na ang katawan ng lakas na mula sa tunay na mga pagkain.

Ang liwanag naman ay isang uri ng enerhiya nageemit ng brightness kaya nagiging posible ang pagkakita ng mga bagay sa paligid. Kabaligtaran ito ng dilim, at madalas sumisimbulo sa mga positibong bagay gaya ng kabutihan, simula ng buhay, kaligtasan at iba pang mga bagay na kadalasang nakakiling sa usaping metapisikal. Kaugnay sa unang salita, ang suso, nagbibigay rin ito ng buhay. Ito ang nagbibigay ng lakas sa mga halaman na gumawa ng sarili nilang pagkain, at ang mga halaman namang ito ang pinagmumulan ng pagkain ng maraming nilalang at umiikot ng ang siklo ng buhay dito sa ibabaw ng mundo. Dahil sa pagbibigay buhay nito, inangkin na rin itong simbulo ng relihiyon. Sapagkat ang kabaligtaran nitong dilim ay tumutukoy sa kamatayan, kaguluhan at panganib, ang liwanag ang sandata upang hindi malihis sa nasabing landas. O hindi naman kaya, ito ang landas. Ang tamang landas, ang kaligtasan. At iyon ang pangakong dala ng halos lahat ng relihiyon. Ngunit kung babalikan naman ang kasaysayan ng Pilipinas, may mga panahon di namang ipinakita ito sa negatibong paraan – sa sanaysay na Liwanag at Dilim ni Emilio Jacinto. Nabanggit doon ang iba't ibang klase ng liwanag, kung saan nga mayroong masama. Ang masamang liwanag ay iyong nakasisilaw at samakatuwid, mapanlinlang at maaring kumubli sa kasamaan.

Sa mga suso ng liwanag – kung sa literal, bahagi ang suso ng liwanag. Kaya naman, maaari itong tumukoy sa pinakamahalaga, pinakaubod na bahagi ng liwanag kung saan nakasentro ang buong katangiang mayroon ito. Bukod sa bahagi na may pinakamalaking konsetrasyon ng kapangyarihan, ito rin ang lagusan ng mga nasabing katangian. Dahil katulad ng suso ng mga mammal, maaring makita ang suso ng liwanag bilang imahe na hindi lamang nagtataglay ng liwanag, kundi nagbibigay rin nito.

Kung babalikan ang pangunahing karakter sa nobeleta, umiikot ang kwento sa kanyang buhay. At ang bahagi ng buhay niyang napapaloob sa teksto ay may kinalaman naman sa kamatayan, ng mga bagay na nasasaklaw niya at pati na rin ng kinapapalooban niya.
Unang kamatayan, at ang masasabing sentral na problema ng karakter ay ang pagabuntis ng kasintahan. Gusto niyang ipaabort ito ng kasintahan, at ang kasintahan naman, gustong ipaabort ito dahil gusto ng isa. Ang batang hindi pa naipapanganak ay tinatawag niyang (ng bida) na fetus sa halip na sanggol, baby o bata. Ito ay dahil mas kumakatawan sa isang buhay na nilalang ang ibang salita maliban nga sa fetus. At sa pakiramdam ng pangunahing tauhan, magkakaroon ito ng buhay kapag hindi niya tinawag na fetus. Kung kaya, kahit hindi pa man nangyayari ang aborsyon, nagawa na itong 'patayin' sa pamamagitan pa lamang ng hindi pagkonsidera dito bilang buhay.

Ang ikalawa naman ay ang tungkol sa death threath na kanyang natanggap sa araw ng kanyang kaarawan. Ang kaarawan ay maaaring kumatawan sa kapwa buhay at kamatayan. Kumakatawan ito sa buhay dahil ito ay araw ng kapaganakan ng isang tao, at nagagawang ipagdiwang dahil nanatilipa ring buhay ang taong iyon sa loob ng partikular na bilang ng taon. Ngunit katulad ng paghipan ng mga kandila sa birthday cake, tila nagtutuldok rin ito sa maraming bagay. Hudyat rin ito ng katapusan ng isang edad, ng isang buong taon o marahil dekada na iniiwan ng may kaarawan upang sumalubong sa bagong edad. Sa pamamagitan ng pagtanggap sa bagong kaarawan, tinatanggap rin ang pagtatapos ng nakaraang buhay.

At tulad ng isang bagong panganak na sanggol, ang bantang natanggap ng pangunahing tauhan sa kanyang bagong araw ay naglalagay sa kanya sa isang parehas nas sitwasyon- buhay ngunit parang kahit anong oras ay maaari pang bawian nito. Ang sunod-sunod na pagkamatay ng mga tao sa kanyang paligid ang lalo pang nagpaigting ng takot na ito. Tila siya naging kalahating patay at kalahating buhay, bukod pa sa tunggaliang nagaganap sa sarili kung papatayin ba ang fetus o hindi.

Sa panlabas naman, nagkakatanggalan na sa trabaho sa unibersidad na kanyang pinagtuturuan. Ang suweldong natatanggap niya mula rito ay ang ikinabubuhay niya, at kung itutuloy ang fetus, ay ang ipambubuhay niya. Ngunit dahil sa conflict ng aministrasyon at mga gurong tutol sa kanila, nailalagay ang mga guro sa sitwasyong alanganing tanggal at alanganing hindi. Marami sa kabigang guro ng bida ay natanggal na kung kaya mas malaki rin ang chansa na maaring isa siya sa susunod sa mga ito. Tulad ng death threath na natanggap n'ya at aborsyong pinaplano, ang nasabing tanggalan ay hudyat ng papalapit at maaaring tiyak na kamatayan hindi man ng pisikal na katawan.

Kung susumahin, ang pagkatakot para sa buhay ang nag-uugnay sa apat na nabanggit na kamatayan. Ipinakikita nito ang iba't ibang dimensyong nakapaloob sa kamatayan – pagkawala , katapusan, pagputol, paghinto at iba pang termino na nag-uugnay ng buhay sa kamatayan at vice versa. Kaya't kung ilalagay sa isang larawan ang iba't ibang banta sa iba't ibang buha na nababanggit sa nobeleta, hindi man ito nasa absolute na dilim, tila ito hinahabol ng anino. Hindi masasabing wala na ang liwanag dahil naaaninag pa ang mga bagay-bagay ngunit dahil sa pagbabago ng mga kulay tungo sa mas maitim na shade, malalamang papawala na ang liwanag at paparating naman ang kadiliman.

Sa mga suso ng liwanag – pagbalik muli sa titulo, ang hindi pagkapermanente ng buhay ng bida at ng mga tao sa paligid niya ay tulad rin ng hindi pagiging permanente ng buhay na makukuha ng sanggol mula sa suso ng ina. Titigil ito sa paglabas ng gatas sa takdang panahon, na siya namang hudyat ng unti-unting paghiwalay ng anak sa ina mula sa pagatuto nitong kumain hanggang sa paghahanap ng trabaho upang makakain at paglao ay magpakain ng sarili namang pamilya. Isa itong siklo ng impermanence – ng buhay, kamatayan. Hindi ito naitatakda sa isang partikular na araw, ang pagkapanganak man o pagkamatay. Ang liwanag at dilim, may takda mang oras ng pagpapalit ng puwesto sa langit ngunit sa rami ng preokupasyon ng mga tao sa ilalim nito, nagigi na rin itong bagay na hindi permanente.

Sa una, aakalain ang nobeleta na parody ng pelikula/nobelang Maynila sa mga Kuko ng Liwanag. Sa mga unang pangyayari, tungkol pala sa buhay ng isang guro. Aakalain namang isyu ito sa edukasyon at pulitikang nakapaloob dito. May namatay na fratman, kaya maari namang nakapaloob rin ang isyu ng frat violence. Ipapasok sa eksena ang kasintahang estudyante, at pagkabuntis nito. Tungkol naman sa isyu ng aborsyon. Magkakaroon ng mga sex scene, kaya maari namang may kinalaman ito sa isyu ng seksuwalidad. At nang matanggap na nga ang death threath, tila naging murder mystery naman ito.

Ang mismong libro ay kasing hugis at kapal ng chicklit ngunit napakalayo nito sa pagiging chick lit. Pulitikal ang mga isyu ng tanggalan sa trabaho, aborosyon, frat violence at iba pa ngunit hindi lang rin naman iyon ang nasa spotlight ng kuwento. Kalat-kalat sa mga pangayayari at linya o dialog ang isyu naman sa relihiyon (at laban dito) ngunit hindi rin lang naman ito critique sa relihiyon dahil nga mas marami pang pangunahing concern ang pangunahing tauhan. At ang misteryo ng pagkamatay ng mga fratman at pagtatangka sa buhay ng bida ay siya namang nanguna na sa daloy ng mga pangyayari hanggangs a makarating sa dulo.

Tinalakay naman ang lahat ng mag nabaggit na isyu. Ngunit sa pangkaraniwang pulitikal na nobela o akda, hindi naman ito taas ang kaliwang kamao. Kung para rin naman ito sa aborsyon, hindi naman natuloy ang pagpapalaglag, dahil ayon naman sa kasinatahan sa huli ay hindi naman pala siya buntis. Kung critique naman sa relihiyon, mayroon lamang relihiyong tintukoy dito, at iyon nga ay ang Kristiyanismo na kinakatwan ng mga Kirstiyanong grupo sa unibersidad, at maging ang gustong ipangalan ng bida sa magiging anak (sana) na Christianity na magiging Auntie (Anti) Christianity kapag naging tita na ang bata. Ang nasabing isyu ay pagitan lamang ng bida at ng kanyang sarili. At kung sa pagiging murder mystery naman nito, maari. Yun nga lang, hindi prinofile ang mga posibleng suspect sa pagkamatay ng mga fratman at kung iisa lang ito sa nagpadala ng death threath. Iyon nga ay dahil sa dami nang bumabagabag sa pangunahing tauhan. At sa huli, tila siya pa pala ang mamamatay tao.

Ang nobeleta ay isang buong deviation sa iba't ibang issue sa lipunan at kahit sa mismong banghay na aakalaing sinusundan nito. Kung hindi man absolute na paglihis, sigurado naman itong hindi pangkaraniwan sa paraan ng pagtatalakay, anggulo ng mga isyung tinalakay at, ang piniling simula at katapusan.

*napulot ko lang to sa autograph ng crush kong manunulat. chiaroscuro pala yung hindi ko masabing 'style' ng akda. pero hindi ko na sinama dahil pinoint out na sa kin and i cannot claim the idea as my own anymore. ayun.

Thursday, February 08, 2007

Dalawang Prosti

It's Very Clean ni Gene Wolfe
Nakaset ang kuwento sa isang futuristic na whore house kung saan ang mga prostitute na nagtatrabaho roon ay pawang mga lifelike na android na lamang. Ang bawat customer ay bibigyan pa ng script upang maiayon nila sa gusto ang attitude ng mga android na prostitute. Ngunit nang magpunta si Miles, isang customer, natapat siya sa isang kakaibang prostitute na si Jill. Wala raw itong katulad sa lahat ng nagamit niya. Iyon pala, isang tunay na babae si Jill na pumapalit lamang sa mga sirang android. Nagalit si Miles kaya't sinumbong niya ito sa bugaw.


Diyos Ko! ni Justin
Tungkol ito sa karanasan ng isang Jesus (Gsus?) pagbaba niya sa Pilipinas. Palaging badtrip ito as Ama na nakakausap siya sa pamamagitan ng text. Hinahanap niya si Ruben na isang cult leader. Sa kanyang paglalakbay naubusan siya ng pera kakabili ng load kaya nagtrabaho siya bilang prostitute. Nakilala niya si Satan, at nagkaroon sila ng mala-Pretty Woman na set up. Bago matapos ang kasunduan, nireyp naman siya ng kaibigan ni Satan. Pagkatapos noon ay naghiwalay na sila ni Satan (Shane Tan). Pagkagising niya, nasa ibang lugar na siya na inaakala niyang Cebu kung saan nakakulong na si Ruben. Tumakas siya sa lgar na iyon nang habulin ng baril ng isang binatilyo. Nakarating sya sa squatter's area at nakilala sina Impen at Rigor. Nakakuwentuhan niya ang mga ito at nalaman ang malatelenobelang sinapit ng kanilbf buhay dahil sa mga PML. Pagkatapos nagtaxi siya at pinagpatuloy ang paghahanap kay Ruben. Nakarating sya sa Davao Penal Colony. Natagpuan niya ito, ngunit hindi pala iyon si Ruben kaya pinasabog siya nito. Hindi na siya nagawang iligtas ng tawag ng Ama dahil lobatt na ang cellphone. Pagbalik niya sa itaas, sa bahay niya, natagpuan niyang tulog ang asawang si Maria, nakahubad at butas ang panty. Pinuntahan niya ang kanyang Ama na natutulog. Pagkagsing niya dito, nakita niya ang kapiraso ng panty ni Maria. Bumalik siya sa kanyang bahay at nalamang ginahassa ng kanyang ama ang kanyang asawa. Pinatay niya si Maria at nagpatulong kay Pedro na idispatsa ito. Kaso nahuli sila ng kapatid ni Maria kaya pinatay na rin niya ang buong pamilya Magdalena. Pinayuhan siya ng kanyang mama na magbakasyon na lang daw muna sa lupa.

* * *

Tema: Deception/Pagtataksil, Salvation
Paksa: Tungkol sa mga unlikely na prostitute

Ang naunang kuwento ay futuristic, at sa aking palagay ay mahalaga ang pagiging futuristic nito. Ibig sabihin, iba ang effect kung sakaling nakaset sa present time. Nakatulong ang future setting sa pagapakita ng insecurties ng persona na nagmanifest sa naging reaksyon niya sa prostitute. Maaring echo rin ito ng insecurities mismo ng human beings sa technology (i.e: artificial intelligence, cosmetic surgery).

Ang pangalawang kuwento naman ay gumamit ng popular na tauhan sa bibliya upang ilahad ang kuwento. Sa pamamagitan nito nito, maaring tingnan ang kuwento sa maraming levels (critique, parody, o kung ano man). Mayroon ding rashomon effect ang storya dahil nga hindi sunud-sunod, at maraming taong involved, maaring magkaroon ng iba't ibang bersyon ng katapusan.

Kung pagkukumparahin ang dalawang kuwento, magkatulad silang tumalakay sa insecurities ng male persona kaugnay sa female character. Naging daan ang female karakter upang ipakita ang kahinaan nila – si Miles, sa hindi pala android na prostitute, at si Gsus, sa pangangaliwa ni Maria Magdalena. Parehas rin nitong inexplore ang possibilities ng prostitution: ang android na prostitute, at diyos na prostitute.

Nagkaiba naman ang dalawang kuwento sa treatment. Mas direct ang approach ng naunang kuwento. Maiksi ang naratibo at tila observer ang narrator na objective ang pagpili sa isang particular na scene sa isang whore house na maraming kuwarto. Ang ikalawang kuwento naman, bukod sa hindi tradisyonal na porma, ay gumamit ng mga allusion, partikular sa pop culture.