Breast-seller*
Sa Mga Suso Ng Liwanag
ni Justin
Ito ay tungkol sa buhay ng isang guro sa kolehiyo na pre-okupado ng kanyang mga problema o isyu hinggil sa aborsyon ng kasintahang nabuntis niya, sa death threath na natanggap niya at magkasunod na pagpaslang sa dalawang fratman.
Ang suso ay bahagi ng katawan ng mga mammals. Sa mga babaeng mammals, pinagmumulan ito ng gatas na nagbibigay buhay sa bagong panganak na mga mammal. Mananatili itong pinagmumulan ng kanilang pagkain hanggang sa matuto na silang magdigest ng solid foods o di naman kaya'y makakuha ng ng sarili nilang pagkain. Ito ay pantustos sa buhay, hanggang matutong mag-isa ang nilalang na nakadepende dito. Bagama't maraming bitamina at mineral ang makukuha ng batang mammal mula dito, maari rin itong maging sagabal sa buhay ng kapwa ina at anak, kung sa kaso ng mga tao ang pagbabasehan. Kapag nagngingipin na ang anak, masusugatan na ang suso ng ina. At kapag wala nang mailabas na gatas ang ina (sa kakulangan man ng sustansya sa katawan o dahil lagpas na ang panahon na dapat na pagproduce ng gatas). dugo na ang lalabas dito. Maaari rin namang mabulok ang ngipin ng bata at mastunt ang paglaki dahil sa labis na pagdepende sa gatas sa mga panahong nangangailangan na ang katawan ng lakas na mula sa tunay na mga pagkain.
Ang liwanag naman ay isang uri ng enerhiya nageemit ng brightness kaya nagiging posible ang pagkakita ng mga bagay sa paligid. Kabaligtaran ito ng dilim, at madalas sumisimbulo sa mga positibong bagay gaya ng kabutihan, simula ng buhay, kaligtasan at iba pang mga bagay na kadalasang nakakiling sa usaping metapisikal. Kaugnay sa unang salita, ang suso, nagbibigay rin ito ng buhay. Ito ang nagbibigay ng lakas sa mga halaman na gumawa ng sarili nilang pagkain, at ang mga halaman namang ito ang pinagmumulan ng pagkain ng maraming nilalang at umiikot ng ang siklo ng buhay dito sa ibabaw ng mundo. Dahil sa pagbibigay buhay nito, inangkin na rin itong simbulo ng relihiyon. Sapagkat ang kabaligtaran nitong dilim ay tumutukoy sa kamatayan, kaguluhan at panganib, ang liwanag ang sandata upang hindi malihis sa nasabing landas. O hindi naman kaya, ito ang landas. Ang tamang landas, ang kaligtasan. At iyon ang pangakong dala ng halos lahat ng relihiyon. Ngunit kung babalikan naman ang kasaysayan ng Pilipinas, may mga panahon di namang ipinakita ito sa negatibong paraan – sa sanaysay na Liwanag at Dilim ni Emilio Jacinto. Nabanggit doon ang iba't ibang klase ng liwanag, kung saan nga mayroong masama. Ang masamang liwanag ay iyong nakasisilaw at samakatuwid, mapanlinlang at maaring kumubli sa kasamaan.
Sa mga suso ng liwanag – kung sa literal, bahagi ang suso ng liwanag. Kaya naman, maaari itong tumukoy sa pinakamahalaga, pinakaubod na bahagi ng liwanag kung saan nakasentro ang buong katangiang mayroon ito. Bukod sa bahagi na may pinakamalaking konsetrasyon ng kapangyarihan, ito rin ang lagusan ng mga nasabing katangian. Dahil katulad ng suso ng mga mammal, maaring makita ang suso ng liwanag bilang imahe na hindi lamang nagtataglay ng liwanag, kundi nagbibigay rin nito.
Kung babalikan ang pangunahing karakter sa nobeleta, umiikot ang kwento sa kanyang buhay. At ang bahagi ng buhay niyang napapaloob sa teksto ay may kinalaman naman sa kamatayan, ng mga bagay na nasasaklaw niya at pati na rin ng kinapapalooban niya.
Unang kamatayan, at ang masasabing sentral na problema ng karakter ay ang pagabuntis ng kasintahan. Gusto niyang ipaabort ito ng kasintahan, at ang kasintahan naman, gustong ipaabort ito dahil gusto ng isa. Ang batang hindi pa naipapanganak ay tinatawag niyang (ng bida) na fetus sa halip na sanggol, baby o bata. Ito ay dahil mas kumakatawan sa isang buhay na nilalang ang ibang salita maliban nga sa fetus. At sa pakiramdam ng pangunahing tauhan, magkakaroon ito ng buhay kapag hindi niya tinawag na fetus. Kung kaya, kahit hindi pa man nangyayari ang aborsyon, nagawa na itong 'patayin' sa pamamagitan pa lamang ng hindi pagkonsidera dito bilang buhay.
Ang ikalawa naman ay ang tungkol sa death threath na kanyang natanggap sa araw ng kanyang kaarawan. Ang kaarawan ay maaaring kumatawan sa kapwa buhay at kamatayan. Kumakatawan ito sa buhay dahil ito ay araw ng kapaganakan ng isang tao, at nagagawang ipagdiwang dahil nanatilipa ring buhay ang taong iyon sa loob ng partikular na bilang ng taon. Ngunit katulad ng paghipan ng mga kandila sa birthday cake, tila nagtutuldok rin ito sa maraming bagay. Hudyat rin ito ng katapusan ng isang edad, ng isang buong taon o marahil dekada na iniiwan ng may kaarawan upang sumalubong sa bagong edad. Sa pamamagitan ng pagtanggap sa bagong kaarawan, tinatanggap rin ang pagtatapos ng nakaraang buhay.
At tulad ng isang bagong panganak na sanggol, ang bantang natanggap ng pangunahing tauhan sa kanyang bagong araw ay naglalagay sa kanya sa isang parehas nas sitwasyon- buhay ngunit parang kahit anong oras ay maaari pang bawian nito. Ang sunod-sunod na pagkamatay ng mga tao sa kanyang paligid ang lalo pang nagpaigting ng takot na ito. Tila siya naging kalahating patay at kalahating buhay, bukod pa sa tunggaliang nagaganap sa sarili kung papatayin ba ang fetus o hindi.
Sa panlabas naman, nagkakatanggalan na sa trabaho sa unibersidad na kanyang pinagtuturuan. Ang suweldong natatanggap niya mula rito ay ang ikinabubuhay niya, at kung itutuloy ang fetus, ay ang ipambubuhay niya. Ngunit dahil sa conflict ng aministrasyon at mga gurong tutol sa kanila, nailalagay ang mga guro sa sitwasyong alanganing tanggal at alanganing hindi. Marami sa kabigang guro ng bida ay natanggal na kung kaya mas malaki rin ang chansa na maaring isa siya sa susunod sa mga ito. Tulad ng death threath na natanggap n'ya at aborsyong pinaplano, ang nasabing tanggalan ay hudyat ng papalapit at maaaring tiyak na kamatayan hindi man ng pisikal na katawan.
Kung susumahin, ang pagkatakot para sa buhay ang nag-uugnay sa apat na nabanggit na kamatayan. Ipinakikita nito ang iba't ibang dimensyong nakapaloob sa kamatayan – pagkawala , katapusan, pagputol, paghinto at iba pang termino na nag-uugnay ng buhay sa kamatayan at vice versa. Kaya't kung ilalagay sa isang larawan ang iba't ibang banta sa iba't ibang buha na nababanggit sa nobeleta, hindi man ito nasa absolute na dilim, tila ito hinahabol ng anino. Hindi masasabing wala na ang liwanag dahil naaaninag pa ang mga bagay-bagay ngunit dahil sa pagbabago ng mga kulay tungo sa mas maitim na shade, malalamang papawala na ang liwanag at paparating naman ang kadiliman.
Sa mga suso ng liwanag – pagbalik muli sa titulo, ang hindi pagkapermanente ng buhay ng bida at ng mga tao sa paligid niya ay tulad rin ng hindi pagiging permanente ng buhay na makukuha ng sanggol mula sa suso ng ina. Titigil ito sa paglabas ng gatas sa takdang panahon, na siya namang hudyat ng unti-unting paghiwalay ng anak sa ina mula sa pagatuto nitong kumain hanggang sa paghahanap ng trabaho upang makakain at paglao ay magpakain ng sarili namang pamilya. Isa itong siklo ng impermanence – ng buhay, kamatayan. Hindi ito naitatakda sa isang partikular na araw, ang pagkapanganak man o pagkamatay. Ang liwanag at dilim, may takda mang oras ng pagpapalit ng puwesto sa langit ngunit sa rami ng preokupasyon ng mga tao sa ilalim nito, nagigi na rin itong bagay na hindi permanente.
Sa una, aakalain ang nobeleta na parody ng pelikula/nobelang Maynila sa mga Kuko ng Liwanag. Sa mga unang pangyayari, tungkol pala sa buhay ng isang guro. Aakalain namang isyu ito sa edukasyon at pulitikang nakapaloob dito. May namatay na fratman, kaya maari namang nakapaloob rin ang isyu ng frat violence. Ipapasok sa eksena ang kasintahang estudyante, at pagkabuntis nito. Tungkol naman sa isyu ng aborsyon. Magkakaroon ng mga sex scene, kaya maari namang may kinalaman ito sa isyu ng seksuwalidad. At nang matanggap na nga ang death threath, tila naging murder mystery naman ito.
Ang mismong libro ay kasing hugis at kapal ng chicklit ngunit napakalayo nito sa pagiging chick lit. Pulitikal ang mga isyu ng tanggalan sa trabaho, aborosyon, frat violence at iba pa ngunit hindi lang rin naman iyon ang nasa spotlight ng kuwento. Kalat-kalat sa mga pangayayari at linya o dialog ang isyu naman sa relihiyon (at laban dito) ngunit hindi rin lang naman ito critique sa relihiyon dahil nga mas marami pang pangunahing concern ang pangunahing tauhan. At ang misteryo ng pagkamatay ng mga fratman at pagtatangka sa buhay ng bida ay siya namang nanguna na sa daloy ng mga pangyayari hanggangs a makarating sa dulo.
Tinalakay naman ang lahat ng mag nabaggit na isyu. Ngunit sa pangkaraniwang pulitikal na nobela o akda, hindi naman ito taas ang kaliwang kamao. Kung para rin naman ito sa aborsyon, hindi naman natuloy ang pagpapalaglag, dahil ayon naman sa kasinatahan sa huli ay hindi naman pala siya buntis. Kung critique naman sa relihiyon, mayroon lamang relihiyong tintukoy dito, at iyon nga ay ang Kristiyanismo na kinakatwan ng mga Kirstiyanong grupo sa unibersidad, at maging ang gustong ipangalan ng bida sa magiging anak (sana) na Christianity na magiging Auntie (Anti) Christianity kapag naging tita na ang bata. Ang nasabing isyu ay pagitan lamang ng bida at ng kanyang sarili. At kung sa pagiging murder mystery naman nito, maari. Yun nga lang, hindi prinofile ang mga posibleng suspect sa pagkamatay ng mga fratman at kung iisa lang ito sa nagpadala ng death threath. Iyon nga ay dahil sa dami nang bumabagabag sa pangunahing tauhan. At sa huli, tila siya pa pala ang mamamatay tao.
Ang nobeleta ay isang buong deviation sa iba't ibang issue sa lipunan at kahit sa mismong banghay na aakalaing sinusundan nito. Kung hindi man absolute na paglihis, sigurado naman itong hindi pangkaraniwan sa paraan ng pagtatalakay, anggulo ng mga isyung tinalakay at, ang piniling simula at katapusan.
*napulot ko lang to sa autograph ng crush kong manunulat. chiaroscuro pala yung hindi ko masabing 'style' ng akda. pero hindi ko na sinama dahil pinoint out na sa kin and i cannot claim the idea as my own anymore. ayun.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home