chickenscratch

Monday, February 26, 2007

Mahirap ang Post na Ito

The Grass Eaters ni
Krishnan Varnan

Isang guro si Ajit Babu. Asawa niya si Swapna. Una silang tumirang mag-asawa sa isang sidewalk. Sobrang daming tao sa nasabing lugar. Isang araw nagising na lang si Ajit na isang matandang babae na ang katabi sa halip na ang asawa. Nagalit ang asawa nito, kaya napadpad sila ni Swapna sa isang freight wagon. Ang problema, sa ibang lugar na sila pagkagising. Ilang beses iyong nangyari, at kinailangan nilang magcommute pabalik ulit sa Calcutta. Pero isang araw hindi na pumayag si Swapna. Nagdadalantao kasi ito, at namatay na ang nauna nilang tatlong anak dahil sa kawalan nila ng permanenteng tirahan. Pumayag si Ajit at natuwa ang asawa. Sinuggest niya sa platform, sa tulay, sa isang water tank. Walang pumasa kay Swapna. Naisipan ni Ajit sa pinagtuturuan niyang eskuwelahan. Nang papunta na sila sa eskuwelahan, nakadaan sila sa isang concrete pipe. Doon na sila tumira. Hindi makapaniwala ang tatay ng batang bilog na tutor niya na nakatira sila sa concrete pipe. Comportable sila roon kumpara sa mga dating tinirhan. Nang malaman ito ng headmaster, pinatira silang mag-asawa sa isa sa mga buildings nito. Naging “maayos” na ang buhay nila roon. May bubungan sila, mas maliwanag, at mas kakaunti ang mga peste sa kanila kumpara sa mga nasa ibabang yunit. Nanganak na ang kanyang asawa at pinangalanan nila itong Prodeep. Naging Naxalite ito. Halos wala nang dami tang mag-asawa. Damo na ang kanilang pangunahing pagain dahilsa sobrang taas na ng presyo ng bigas. Nilulugaw na lamang nila ito at kinakain kasam ng damong nilaga't nilagyan ng sili at asin. Sabi pa ng kapitbahay nila, kapag daw kaunti na ang kinakain ay makatatagal na rin raw nang indi kumakain talaga. Lumipas ang mga araw at naputulan si Ajit ng paa. Nahulog siya sa bubungan ng tren. Ilang taon ang makalipas, pagninilay-nilayan ni Ajit ang pagtira niya sa concrete pipe. Npagatanto niya na sa kabila ng mga nangyari sa kanilang buhay, ayos na siya doon. Sanay na siya sa pagkain ng damo at pagkita ng mga nagpapatayan na tao.


Failure to Punctuate
ni Justin
Isang aborsyonista si JK. Room TBA ang tawag sa clinic niya. Nasa may outskirts pa ito ng kalapit na unibersidad. Mayroon na siyang mga suki gaya ni Neferti, na mula sa iba't ibang ama ang ipinaabort. Minsan may magsyotang freshie ang lumapit sa kanya – si Juanito at isang babae na di niya sigurado kung Nerissa, Marissa, o Charisma ang pangalan. Nagback-out ang babae. Namatay sa panganganak, pati ang bata inianak. Patuloy naman siya pagraket. Isang araw, maganda ang business. Nakatatlo siyang inabort. Puwede na siyang makabili ng bike. Nakita niyang lasing si Juanito sa isang bench sa may sunken. Iniuwi niya ito sa bahay at tinulungan siya ng mga housemates niya mahimasmasan siya. Mula noon naging magkaibigan na sina JK at uanito, Pasasalubungan na siya ng mga VCD at prutas kapag dumadalaw sa bahay. Sabay na rin silang kumakain. Nakakuwentuhan pa ni JK ang nanay ni Juanito sa ChocoKiss. Matapos ang pitong buwan si JK at Juanito na. Nang mga panahong iyon, nag-iba si Juanito. Nagsususuntok siya sa pader at naninipa ng pusa. Hindi naman malaman ni JK kung bakit. Dumating ang araw ng kanilang third monthsary. Iaabort niya ulit ang pangatlong anak n Neferti. Habang hinihintay ang pasyente, dumating si Juanito. May dala itong mga bulaklak at tsokolate. Ginawa ni JK ang trabaho niya nang mabilis. Pagkatapos ng trabaho ni JK, sinurpresa siya ni Juanito sa parking lot. Dala nito ang pick-up ng tatay niya. Nagdrive sila papuntang oval, sa tapat ng College of Law. Nagpicnic sila sa gitna ng Sunken. Uminom ng sprite si Juanito at kumain naman ng saging si JK. Nakuwento ni Juanito ang CW class niya. Nagsimula silang magtalo tungkol sa bagay na kinatutuwaan ng isa't isa. Nang magdilim, bumalik na sila sa parking lot. Wala na ang pick-up. Nagpatulong sila sa pulis pero walang nangyari. Ipakikilala pala ni Juanito si JK sa tatay niya nang araw na iyon. Maraming masamang narinig si JK tungkol sa ama n Juanito. Pero tumuloy pa rin sila at nagcommute na lang. Sa may intersection, sumikip ang trapiko. May batang babaeng sumakay sa jeep. Pinunasan niya ang sapatos ng mga pasahero. Umiwas si JK. Naglabas naman si Juanito ng singkwenta pesos at sumenyas sa bata na dilaan ang sapatos niya. Pumayag ang bata. Nashock si JK, gayon rin ang ibang mga pasahero. Sa kalsada, tumutunog ang sirena ng ambulasya. May naaksidente.

---------------------------
Ang dalawang kuwento ay nakaset sa mga bansang third world na bansa. Ang una sa India, sa Pilipinas ang ikalawa. Partikular rin ang mga lugar. Sa Calcutta sina Ajit at sa Quezon City naman sina JK.


Ang “The Grass Eaters” ay tumatalakay sa kung paanong naging normal ang halos di pagkain sa isang pamilya. Sa sobrang hirap ng buhay sa lugar nila, mainam nang may maisubo sa bibig kahit pa damo. Ang kanilang existence ay subsistence na lamang. Natiis na nina ang Ajit ang kalagayan kaya't naging normal na ito sa kanila. Kahit pa nga noong naputol na ang paa niya. Sabi nga niya, kuntento na siya sa lugar nila. Hindi na bago ang mga nagsasaksakan, o kahit inang nagtatapon ng sanggol sa basurahan.


Kaugnay naman sa “Failure to Punctuate”, may temang aborsyon rin ang involved. Iyon ang business ng bidang si JK. Doon siya nakapagpundar at dahil rin doon, nakilala niya ang kasintahang si Juanito. Ang aborsyon naman ang normal kay JK. Mabilis na niya itong nagagawa, at sanay na rin sa reaksyong nakukuha. Tulad na lamang ng pagkamuhi ng mga dati niyang mga lalakeng nagustuhan nang malaman ng mga ito ang trabaho niya.


Sa kabila ng pagiging 'sanay' na nina Ajit at JK sa uri ng kanilang buhay, nagdeviate pa rin ang mga mahal nila sa buhay. Si Swapna ay nagreklamo na sa palipat-lipat nila ng lugar dahil manganganak siya. Si Juanito naman, mas komplikado. Bagamat hindi sang-ayon ay hindi niya pinigilan si JK sa trabaho. Pero nag-iba ang ugali nito, partikular sa insidente sa jeep. Maaring nag-ugat ito sa problema sa ama, marahil kung paano ipaliliwanag ang tunay na trabaho ng kasintahan niya. O di naman kaya, may problema rin siya sa trabahong iyon. At dahil tahimik siya, sa mga kilos na lamang niya naiaact-out ang kanyang dilemma.


Tinatalakay rin sa kuwento ang kamatayan, bagamat parang sa perphery lamang. Dahil mas relax ang paglalahad (at mismong haba ng teksto) sa The Grass Eaters, hindi agad mauugnay ang kamatayan. Ngunit ang uri ng pamumuhay nila, walang damit at kumakain ng damo. Ang maari nang mabuhay ng di kumain – iyon ang senyales na para na rin silang mga buhay na patay. Bukod pa roon ay tanggap na nila ang kalagayan.


Sa Failure to Punctuate, bagama mas mahaba, naging subtle rin ang tema ng kamatayan. Normal na kasi ito sa bida, at iyon na rin ang naipapasa sa mambabasa. Naging malayo ang aborsyon sa kamatayan, parang pag-alis na lamang sa halip na pagbura. Habang lumalaon ang kuwento, may mga nakasingit ring kamatayan – gf ni Juanito, nanay niya, at ang namatay sa aksidente.


Dahil abala ang mga karakter sa kanilang buhay, nasa perphery lamang nila ang kamatayan. Kahit pa mual sa punto de bista ng tiga-labas, nababalot na talaga ng kamatayan ang mga lugar/ buhay sa kuwento. Ngunit dahil nga iba ang concerns ng characters, hindi na misteryo sa kanila ang kamatayan.


Sa kabila ng mabibigat na mga paksa na nakapaloob gaya ng aborsyon, kahirapan, at kamatayan, hindi naging overly dramatic ang pagkakalahad ng mga kuwento. Naging device ang tono nitong parang slice of life o anekdota. Nasa punto de bista rin ng mga bida ang narration. Sa paraan ng kanilang pagkukuwento, hindi dinuldol ang mga paksa sa mambabasa. Iyon nga ay dahil wala nang misteryo ang mga iyon sa kanila.


Masasabing epektibo ang ganitong pag-atake sa mga paksa dahil mas naconcretize ang mga topic. Sa pamamagitan iyon ng mga nagaganap sa partikular ng mga tao, na nagpapalinaw sa ginagalawan nilang milieu kung saan nakapaloob ang mga nabanggit na paksa.

Breast-seller*

Sa Mga Suso Ng Liwanag
ni Justin

Ito ay tungkol sa buhay ng isang guro sa kolehiyo na pre-okupado ng kanyang mga problema o isyu hinggil sa aborsyon ng kasintahang nabuntis niya, sa death threath na natanggap niya at magkasunod na pagpaslang sa dalawang fratman.

Ang suso ay bahagi ng katawan ng mga mammals. Sa mga babaeng mammals, pinagmumulan ito ng gatas na nagbibigay buhay sa bagong panganak na mga mammal. Mananatili itong pinagmumulan ng kanilang pagkain hanggang sa matuto na silang magdigest ng solid foods o di naman kaya'y makakuha ng ng sarili nilang pagkain. Ito ay pantustos sa buhay, hanggang matutong mag-isa ang nilalang na nakadepende dito. Bagama't maraming bitamina at mineral ang makukuha ng batang mammal mula dito, maari rin itong maging sagabal sa buhay ng kapwa ina at anak, kung sa kaso ng mga tao ang pagbabasehan. Kapag nagngingipin na ang anak, masusugatan na ang suso ng ina. At kapag wala nang mailabas na gatas ang ina (sa kakulangan man ng sustansya sa katawan o dahil lagpas na ang panahon na dapat na pagproduce ng gatas). dugo na ang lalabas dito. Maaari rin namang mabulok ang ngipin ng bata at ma­stunt ang paglaki dahil sa labis na pagdepende sa gatas sa mga panahong nangangailangan na ang katawan ng lakas na mula sa tunay na mga pagkain.

Ang liwanag naman ay isang uri ng enerhiya nageemit ng brightness kaya nagiging posible ang pagkakita ng mga bagay sa paligid. Kabaligtaran ito ng dilim, at madalas sumisimbulo sa mga positibong bagay gaya ng kabutihan, simula ng buhay, kaligtasan at iba pang mga bagay na kadalasang nakakiling sa usaping metapisikal. Kaugnay sa unang salita, ang suso, nagbibigay rin ito ng buhay. Ito ang nagbibigay ng lakas sa mga halaman na gumawa ng sarili nilang pagkain, at ang mga halaman namang ito ang pinagmumulan ng pagkain ng maraming nilalang at umiikot ng ang siklo ng buhay dito sa ibabaw ng mundo. Dahil sa pagbibigay buhay nito, inangkin na rin itong simbulo ng relihiyon. Sapagkat ang kabaligtaran nitong dilim ay tumutukoy sa kamatayan, kaguluhan at panganib, ang liwanag ang sandata upang hindi malihis sa nasabing landas. O hindi naman kaya, ito ang landas. Ang tamang landas, ang kaligtasan. At iyon ang pangakong dala ng halos lahat ng relihiyon. Ngunit kung babalikan naman ang kasaysayan ng Pilipinas, may mga panahon di namang ipinakita ito sa negatibong paraan – sa sanaysay na Liwanag at Dilim ni Emilio Jacinto. Nabanggit doon ang iba't ibang klase ng liwanag, kung saan nga mayroong masama. Ang masamang liwanag ay iyong nakasisilaw at samakatuwid, mapanlinlang at maaring kumubli sa kasamaan.

Sa mga suso ng liwanag – kung sa literal, bahagi ang suso ng liwanag. Kaya naman, maaari itong tumukoy sa pinakamahalaga, pinakaubod na bahagi ng liwanag kung saan nakasentro ang buong katangiang mayroon ito. Bukod sa bahagi na may pinakamalaking konsetrasyon ng kapangyarihan, ito rin ang lagusan ng mga nasabing katangian. Dahil katulad ng suso ng mga mammal, maaring makita ang suso ng liwanag bilang imahe na hindi lamang nagtataglay ng liwanag, kundi nagbibigay rin nito.

Kung babalikan ang pangunahing karakter sa nobeleta, umiikot ang kwento sa kanyang buhay. At ang bahagi ng buhay niyang napapaloob sa teksto ay may kinalaman naman sa kamatayan, ng mga bagay na nasasaklaw niya at pati na rin ng kinapapalooban niya.
Unang kamatayan, at ang masasabing sentral na problema ng karakter ay ang pagabuntis ng kasintahan. Gusto niyang ipaabort ito ng kasintahan, at ang kasintahan naman, gustong ipaabort ito dahil gusto ng isa. Ang batang hindi pa naipapanganak ay tinatawag niyang (ng bida) na fetus sa halip na sanggol, baby o bata. Ito ay dahil mas kumakatawan sa isang buhay na nilalang ang ibang salita maliban nga sa fetus. At sa pakiramdam ng pangunahing tauhan, magkakaroon ito ng buhay kapag hindi niya tinawag na fetus. Kung kaya, kahit hindi pa man nangyayari ang aborsyon, nagawa na itong 'patayin' sa pamamagitan pa lamang ng hindi pagkonsidera dito bilang buhay.

Ang ikalawa naman ay ang tungkol sa death threath na kanyang natanggap sa araw ng kanyang kaarawan. Ang kaarawan ay maaaring kumatawan sa kapwa buhay at kamatayan. Kumakatawan ito sa buhay dahil ito ay araw ng kapaganakan ng isang tao, at nagagawang ipagdiwang dahil nanatilipa ring buhay ang taong iyon sa loob ng partikular na bilang ng taon. Ngunit katulad ng paghipan ng mga kandila sa birthday cake, tila nagtutuldok rin ito sa maraming bagay. Hudyat rin ito ng katapusan ng isang edad, ng isang buong taon o marahil dekada na iniiwan ng may kaarawan upang sumalubong sa bagong edad. Sa pamamagitan ng pagtanggap sa bagong kaarawan, tinatanggap rin ang pagtatapos ng nakaraang buhay.

At tulad ng isang bagong panganak na sanggol, ang bantang natanggap ng pangunahing tauhan sa kanyang bagong araw ay naglalagay sa kanya sa isang parehas nas sitwasyon- buhay ngunit parang kahit anong oras ay maaari pang bawian nito. Ang sunod-sunod na pagkamatay ng mga tao sa kanyang paligid ang lalo pang nagpaigting ng takot na ito. Tila siya naging kalahating patay at kalahating buhay, bukod pa sa tunggaliang nagaganap sa sarili kung papatayin ba ang fetus o hindi.

Sa panlabas naman, nagkakatanggalan na sa trabaho sa unibersidad na kanyang pinagtuturuan. Ang suweldong natatanggap niya mula rito ay ang ikinabubuhay niya, at kung itutuloy ang fetus, ay ang ipambubuhay niya. Ngunit dahil sa conflict ng aministrasyon at mga gurong tutol sa kanila, nailalagay ang mga guro sa sitwasyong alanganing tanggal at alanganing hindi. Marami sa kabigang guro ng bida ay natanggal na kung kaya mas malaki rin ang chansa na maaring isa siya sa susunod sa mga ito. Tulad ng death threath na natanggap n'ya at aborsyong pinaplano, ang nasabing tanggalan ay hudyat ng papalapit at maaaring tiyak na kamatayan hindi man ng pisikal na katawan.

Kung susumahin, ang pagkatakot para sa buhay ang nag-uugnay sa apat na nabanggit na kamatayan. Ipinakikita nito ang iba't ibang dimensyong nakapaloob sa kamatayan – pagkawala , katapusan, pagputol, paghinto at iba pang termino na nag-uugnay ng buhay sa kamatayan at vice versa. Kaya't kung ilalagay sa isang larawan ang iba't ibang banta sa iba't ibang buha na nababanggit sa nobeleta, hindi man ito nasa absolute na dilim, tila ito hinahabol ng anino. Hindi masasabing wala na ang liwanag dahil naaaninag pa ang mga bagay-bagay ngunit dahil sa pagbabago ng mga kulay tungo sa mas maitim na shade, malalamang papawala na ang liwanag at paparating naman ang kadiliman.

Sa mga suso ng liwanag – pagbalik muli sa titulo, ang hindi pagkapermanente ng buhay ng bida at ng mga tao sa paligid niya ay tulad rin ng hindi pagiging permanente ng buhay na makukuha ng sanggol mula sa suso ng ina. Titigil ito sa paglabas ng gatas sa takdang panahon, na siya namang hudyat ng unti-unting paghiwalay ng anak sa ina mula sa pagatuto nitong kumain hanggang sa paghahanap ng trabaho upang makakain at paglao ay magpakain ng sarili namang pamilya. Isa itong siklo ng impermanence – ng buhay, kamatayan. Hindi ito naitatakda sa isang partikular na araw, ang pagkapanganak man o pagkamatay. Ang liwanag at dilim, may takda mang oras ng pagpapalit ng puwesto sa langit ngunit sa rami ng preokupasyon ng mga tao sa ilalim nito, nagigi na rin itong bagay na hindi permanente.

Sa una, aakalain ang nobeleta na parody ng pelikula/nobelang Maynila sa mga Kuko ng Liwanag. Sa mga unang pangyayari, tungkol pala sa buhay ng isang guro. Aakalain namang isyu ito sa edukasyon at pulitikang nakapaloob dito. May namatay na fratman, kaya maari namang nakapaloob rin ang isyu ng frat violence. Ipapasok sa eksena ang kasintahang estudyante, at pagkabuntis nito. Tungkol naman sa isyu ng aborsyon. Magkakaroon ng mga sex scene, kaya maari namang may kinalaman ito sa isyu ng seksuwalidad. At nang matanggap na nga ang death threath, tila naging murder mystery naman ito.

Ang mismong libro ay kasing hugis at kapal ng chicklit ngunit napakalayo nito sa pagiging chick lit. Pulitikal ang mga isyu ng tanggalan sa trabaho, aborosyon, frat violence at iba pa ngunit hindi lang rin naman iyon ang nasa spotlight ng kuwento. Kalat-kalat sa mga pangayayari at linya o dialog ang isyu naman sa relihiyon (at laban dito) ngunit hindi rin lang naman ito critique sa relihiyon dahil nga mas marami pang pangunahing concern ang pangunahing tauhan. At ang misteryo ng pagkamatay ng mga fratman at pagtatangka sa buhay ng bida ay siya namang nanguna na sa daloy ng mga pangyayari hanggangs a makarating sa dulo.

Tinalakay naman ang lahat ng mag nabaggit na isyu. Ngunit sa pangkaraniwang pulitikal na nobela o akda, hindi naman ito taas ang kaliwang kamao. Kung para rin naman ito sa aborsyon, hindi naman natuloy ang pagpapalaglag, dahil ayon naman sa kasinatahan sa huli ay hindi naman pala siya buntis. Kung critique naman sa relihiyon, mayroon lamang relihiyong tintukoy dito, at iyon nga ay ang Kristiyanismo na kinakatwan ng mga Kirstiyanong grupo sa unibersidad, at maging ang gustong ipangalan ng bida sa magiging anak (sana) na Christianity na magiging Auntie (Anti) Christianity kapag naging tita na ang bata. Ang nasabing isyu ay pagitan lamang ng bida at ng kanyang sarili. At kung sa pagiging murder mystery naman nito, maari. Yun nga lang, hindi prinofile ang mga posibleng suspect sa pagkamatay ng mga fratman at kung iisa lang ito sa nagpadala ng death threath. Iyon nga ay dahil sa dami nang bumabagabag sa pangunahing tauhan. At sa huli, tila siya pa pala ang mamamatay tao.

Ang nobeleta ay isang buong deviation sa iba't ibang issue sa lipunan at kahit sa mismong banghay na aakalaing sinusundan nito. Kung hindi man absolute na paglihis, sigurado naman itong hindi pangkaraniwan sa paraan ng pagtatalakay, anggulo ng mga isyung tinalakay at, ang piniling simula at katapusan.

*napulot ko lang to sa autograph ng crush kong manunulat. chiaroscuro pala yung hindi ko masabing 'style' ng akda. pero hindi ko na sinama dahil pinoint out na sa kin and i cannot claim the idea as my own anymore. ayun.

Thursday, February 08, 2007

Dalawang Prosti

It's Very Clean ni Gene Wolfe
Nakaset ang kuwento sa isang futuristic na whore house kung saan ang mga prostitute na nagtatrabaho roon ay pawang mga lifelike na android na lamang. Ang bawat customer ay bibigyan pa ng script upang maiayon nila sa gusto ang attitude ng mga android na prostitute. Ngunit nang magpunta si Miles, isang customer, natapat siya sa isang kakaibang prostitute na si Jill. Wala raw itong katulad sa lahat ng nagamit niya. Iyon pala, isang tunay na babae si Jill na pumapalit lamang sa mga sirang android. Nagalit si Miles kaya't sinumbong niya ito sa bugaw.


Diyos Ko! ni Justin
Tungkol ito sa karanasan ng isang Jesus (Gsus?) pagbaba niya sa Pilipinas. Palaging badtrip ito as Ama na nakakausap siya sa pamamagitan ng text. Hinahanap niya si Ruben na isang cult leader. Sa kanyang paglalakbay naubusan siya ng pera kakabili ng load kaya nagtrabaho siya bilang prostitute. Nakilala niya si Satan, at nagkaroon sila ng mala-Pretty Woman na set up. Bago matapos ang kasunduan, nireyp naman siya ng kaibigan ni Satan. Pagkatapos noon ay naghiwalay na sila ni Satan (Shane Tan). Pagkagising niya, nasa ibang lugar na siya na inaakala niyang Cebu kung saan nakakulong na si Ruben. Tumakas siya sa lgar na iyon nang habulin ng baril ng isang binatilyo. Nakarating sya sa squatter's area at nakilala sina Impen at Rigor. Nakakuwentuhan niya ang mga ito at nalaman ang malatelenobelang sinapit ng kanilbf buhay dahil sa mga PML. Pagkatapos nagtaxi siya at pinagpatuloy ang paghahanap kay Ruben. Nakarating sya sa Davao Penal Colony. Natagpuan niya ito, ngunit hindi pala iyon si Ruben kaya pinasabog siya nito. Hindi na siya nagawang iligtas ng tawag ng Ama dahil lobatt na ang cellphone. Pagbalik niya sa itaas, sa bahay niya, natagpuan niyang tulog ang asawang si Maria, nakahubad at butas ang panty. Pinuntahan niya ang kanyang Ama na natutulog. Pagkagsing niya dito, nakita niya ang kapiraso ng panty ni Maria. Bumalik siya sa kanyang bahay at nalamang ginahassa ng kanyang ama ang kanyang asawa. Pinatay niya si Maria at nagpatulong kay Pedro na idispatsa ito. Kaso nahuli sila ng kapatid ni Maria kaya pinatay na rin niya ang buong pamilya Magdalena. Pinayuhan siya ng kanyang mama na magbakasyon na lang daw muna sa lupa.

* * *

Tema: Deception/Pagtataksil, Salvation
Paksa: Tungkol sa mga unlikely na prostitute

Ang naunang kuwento ay futuristic, at sa aking palagay ay mahalaga ang pagiging futuristic nito. Ibig sabihin, iba ang effect kung sakaling nakaset sa present time. Nakatulong ang future setting sa pagapakita ng insecurties ng persona na nagmanifest sa naging reaksyon niya sa prostitute. Maaring echo rin ito ng insecurities mismo ng human beings sa technology (i.e: artificial intelligence, cosmetic surgery).

Ang pangalawang kuwento naman ay gumamit ng popular na tauhan sa bibliya upang ilahad ang kuwento. Sa pamamagitan nito nito, maaring tingnan ang kuwento sa maraming levels (critique, parody, o kung ano man). Mayroon ding rashomon effect ang storya dahil nga hindi sunud-sunod, at maraming taong involved, maaring magkaroon ng iba't ibang bersyon ng katapusan.

Kung pagkukumparahin ang dalawang kuwento, magkatulad silang tumalakay sa insecurities ng male persona kaugnay sa female character. Naging daan ang female karakter upang ipakita ang kahinaan nila – si Miles, sa hindi pala android na prostitute, at si Gsus, sa pangangaliwa ni Maria Magdalena. Parehas rin nitong inexplore ang possibilities ng prostitution: ang android na prostitute, at diyos na prostitute.

Nagkaiba naman ang dalawang kuwento sa treatment. Mas direct ang approach ng naunang kuwento. Maiksi ang naratibo at tila observer ang narrator na objective ang pagpili sa isang particular na scene sa isang whore house na maraming kuwarto. Ang ikalawang kuwento naman, bukod sa hindi tradisyonal na porma, ay gumamit ng mga allusion, partikular sa pop culture.

Wednesday, January 31, 2007

SciFi, Future Fict o Spec Fict Man

Pagbasa sa
Rethinking Philippine Science Fiction
ni Baryon Tensor Posadas

Hanggang ngayon nalilito pa rin ako kung anong pagkakaiba ng science fiction, future fiction, at speculative fiction sa isa't isa. Kung pagbabasehan ang context clues, ang future fict ay tungkol sa o nakaset sa hinaharap, ang science fict ay may kinalaman sa science at technology, ano naman ang speculative fiction. Ayon sa isang guro na kino-quote si Dean Alfar, ang spec fic daw ay parang umbrella term para sa scifi, future fict, at iba pang uri ng fict na hindi maicategorize. Ang alam ko naman, ginagamit ang category na ito ng mga taong ayaw matawag ang kanilang sinusulat bilang ff o scifi.

Ano bang masama kung masabi na future fict o scifi ang sinusulat mo? Base sa essay ni Posadas, mababa ang pagturing nito sa academic/literary community ng maraming unibersidad sa bansa. Maari rin naman daw na meron tayong estrangement sa teknolohiya. Papasok naman doon ang tanong na kung kinakailangan ba talaga ang familiarity sa teknolohiya para mapaunlad ang scfi genre sa Pilipinas.

-------------------------------
Maraming depnisyon ng science fiction ang inihain ng sanaysay:


Ito ay isang estranged/cognitive na uri ng fictiong maihahalintulad sa utopian fiction.


Ito ay isang paghahanap ng kahulugan ng humanity sa advanced but confused state ng kasalukuyang panahon.


Bilang genre, mas mapa ito o metaphor kaysa timeline. Isa itong fiction g defamiliarized present.
Ang nbanggit naman na mataphorical structure ng scifi ay nagmumula sa novum (absent paradigm from the real world like robots, space travel etc.) na ipinakikilala. Nagreresulata naman ito sa pagbabago ng ibang aspekto ng mundo upang magkaroon pa rin ng logical connection sa tunay na mundo.


Sa halip na pagsulat ng kuwento tungkol sa hinaharap, ang genre na ito ay naratibo na kumukuha ng logical conclusions sa paradigm ng tunay na mundo. At dahil diya, nagigi itong defamiliarized version ng real world na magbubunsod naman ng pag re-examine ng mga mambabasa dito. Ang possible future na inihahain ay upang iaddress ang concerns ng kasalukuyan sa pamamagitan ng contemporary parable.
-------------------------------
Ayon rin sa sanaysay, walang scifiction sa Pilipinas dahil sa absence ng science fiction megatext.

Scifi megatext – intertextual mass where contemporary science fiction draws its
language from resulting in in the absence of any for writers to explain every
novum introduced in their works.

Ang mga halimbawa ng gawang scfi na sinipi sa sanaysay ay pangongopya lang raw sa mga tekstong mula sa kanluraning bansa. At dahikaiba ang karanasan ng ating lipunan sa pinagmulang lipunan ng mga modelong teksto, hindi naging matagumpay mga pagtatangka nga mga halimbawa sa science fiction.


Mungkahi ni Posadas bilang solusyon sa suliraning ito – ang hindi pagkakaroon ng bansa ng sariling megatext at ang mere mimicry ng mga naporpoduce na teksto – na kailangan nating lumikha ng ating sariling megatext. Maaring i-explore ang ating alienation sa sarili nating kultura at iba pa nating komplikadong karanasan bilang isang lipunan.

Nasagot naman na hindi talagang kinakailangan na maging technological advanced ang bansa upang makapagproduce ng scifi. Ang problema, kung metaphor lamang ang nasabing genre, bakit pa ito kailangang i-set sa future o bakit esseential pa ang sinasabing mga novums? Ano pa ang magiging pagkakaiba nito sa fantasy at iba pang hindi realistic na uri ng fiction na maari rin namang maging metaphor ng mga pangyayari sa kasalukuyan?

Mahirap sagutin pero sa ngayon parang gusto ko munang magstick sa bukod sa metaphor, critque rin ito sa kasalukuyang lipunan, karanasan, suliranin atbp.

Sunday, January 07, 2007

Out of Body Experience

(Pagkabasa ng Memories of the Body ni Lisa Tuttle)


Mayroong mala-hollywood na appeal ang kuwento lalo na sa isang katulad ko na tumatangkilik sa genre na scifi. Exciting ang nakapaloob na misteryo at aksyon (murder scenes) sa kuwento. Sa kabila noon, ang pangunahing tuon ng kuwento ay hindi sa teknolohiya o special effects kumbaga sa pelikula. Tulad ng iba pang gawang scifi na may kinalaman sa robots o clones, may komentaryo ang kuwento sa pagiging human.


Ang pangunahing tauhan na si Cerise, ay nagkaroon ng problema o pagdududa kung facsimile nga lang ba ang napatay niya at ng kanyang asawa sa kanilang magkahiwalay na session sa Timber Oaks. Ang Timber Oaks ay nagbibigay ng programa kung saan maaring maresolba ang psychological issues. Sa lagay ni Cerise at ng kanyang asawa, gusto na nilang kalimutan ang kanilang mga dating asawa. Dahil doon, sa simulation program ng Timber Oaks, nagawang patayin ni Cerise at Hewitt ang kanilang mga dating asawa. Naging napakamakatotohanan ito dahil sa paggamit ng facsimiles, na parang clones ng mga taong gusting patayin. Hindi agad makarecover si Cerise matapos ang simulation.


Dahil doon, pinanood niya rin ang record ng simulation ni Hewitt. Nakita niyang parang tunay nitong pinatay ang dating asawa nitong si Penny. Mayaman at makapangyarihan si Hewitt kaya hindi rin imposible na tunay nga niyang pinatay si Penny at facsimile na lamang ang nagpapanggap na buhay na Penny.


Ang pagtatagpo ni Cerise at Penny ang pinakamahalagang bahagi ng kuwento. Dito, nalaman ni Cerise na hindi pa talagang patay si Penny. Ngunit parang ganoon din dahil utak na lamang ang buhay dito, at nilagay na siya sa bagong katawan. Ang katawang iyon ay maganda tulad noon kanyang kabataan at hindi na tumatanda. Ginawa niyang papatay kay Hewitt nang dahil sa pera.


Kung parang tunay na buhay rin lang ang meron si Penny sa bago niyang katawan, anong
problema? Ang sagot ay nasa salitang “parang”. Ang kanyang pananatiling buhay (kasama ang pakiramdam, emosyon at iba pa) ay nakabase na lang sa impormasyong nasa memorya ng kanyang utak. Komplikado ang naging diskurso ng dalawang babae tungkol dito, ngunit nagtangka si Penny na ipaliwanag ang lahat sa pamamagitan ng ganitong pahagayag: Kung ang kapeng may asukal ay nilagyan ni Cerise ng asin nang hindi nakikita ni Penny, pagharap muli ni Penny at inumin niya ang kape, matamis pa rin ang lasa nito sa kanya. Ang instinct niya sa kasalukuyan ay nakabase na lamang sa kung anong nasa memorya niya. Ang buhay sa kanya ay para na lamang telebisyon. Pumapasok pa rin ang impormasyon ngunit may nakapagitan na sa kanya at sa buhay.


Noong una, ang nangyari kay Penny para sa akin ay parang nangyari sa karakter ni Drew Barrymore sa 50 first dates. Wala na siyang maalala sa kasalukuyan dahil parang huminto na ang buhay niya noong araw na maaksidente siya. Hindi na niya mararamdaman ang tunay na kasalukuyan o ang hinaharap dahil natigil na ang buhay niya sa isang araw at wala na siyang pwedeng balikan kundi ang nakaraan.


Mas higit doon ang nakapaloob sa Memories of the body. Mas higit ang nawala kay Penny. Nakatatanggap nga siya ng bagong mga impormasyon ngunit nakabase pa rin iyon sa kanyang alaala. Literal siyang nabubuhay na lamang sa alalaala o pag-alala. Mas masama pa ang nangyari sa kanya kaysa kung namatay siya dahil kahit mismong pagkamatay ay hindi na rin niya mararanasan. Maaring na lamang niyang mapanood sa video tape ngunit hanggang doon na lang. Parang hindi na rin siya buhay dahil hindi naman siya mamamatay.


Sa huli, binigyang pag-asa naman ni Cerise si Penny sa pamamagitan ng sinabi niyang tumigil na sa pag-alala at sa hilip ay mabuhay:
You’re not dead unless you decide to be. Stop remembering – do something
new; live.”
Dahil sa binitiwang mga salita ni Cerise, nagpapakita na silang dalawa ang naligtas sa kuwento. Si Penny, sa tuluyang pagkatalo sa ginawa sa kanya ni Hewitt, at si Cerise, sa pagpapakasal niya kay Hewitt na maaring naglagay sa kanya sa sitwasyong katulad nang kay Penny.


Bilang scifi, naging epektibo ang komentaryo ng kuwento sa kasalukuyan sa maraming antas. Isa na roon siyempre ang tungkol sa buhay at ang pananaw tungkol dito lalo na kung ipaparallel sa kamatayan. Sa pagpapatuloy ng buhay, may komentaryo rin ito parallel naman sa oras (nakaraan, kasalukuyan, hinaharap.). At siyempre, tungkol rin ito sa pag-aasawa, buhay mag-asawa o relasyon sa pangkalahatan. Kaugnay sa antagonist ng kuwento na dominanteng lalaki, tinalakay rin sa kuwento ang power struggle na nagaganap sa isang relasyon, particular sa mag-asawa, at kung paanong naapektuhan ito ng kasarian at kakayahang pinansyal ng bawat panig.

Saturday, December 30, 2006

Trees and Eggs

18/11/2006
Flipped
Written by: Wendelin Van Draanen
nasan to nung mga panahong trip ko ang sweet valley? magandang young adult na book. way better than SV. sorry naman francine pascal. mas makakarelate kasi ang normal na batang third world dito despite the american setting kesa sa sunny california stuff ng wakefield twins.family issues, hypocrisy ng mga taong "perfect", financial problems, awkwardness ng growing up, aiming high... at maganda yung 'metaphor' na sycamore tree at chicken eggs. tama, may mga ganung mode yung book. take note: hindi ito teeny-bopper type kahit pa may sort of love angle. at least, para sa kin. . buong hapon kong tinapos dahil di ko mabitawan. ang saya ng book na to. literal, nakakatawa rin. napabasa ulit ako. hehe :)then again ang tagal ko nang hindi nagbasa. pero kahit pa.

Pano kaya kung Alpha Double Plus Ako?

Monday, July 10, 2006
Ang 'Brave New World' ni Aldous Huxley Part I

Isa sa mga dahilan kung bakit ako napadpad sa scifi, bukod sa unrealistic para sa normal na setting ang mga naiisip kong mga cirumstance (whew, habang paliwanag), frustrated lang talaga akong maging einstein slash astronaut. Sa madaling sabi, pinangarap kong maging henyo sa larangan ng siyensya. At dahil nga sa law of conservation of energy (na gusto ko lang i-apply kahit sa usapin ng emosyon), hindi naman talaga mawawala yun-- nababawasan lang o nagbabago ng anyo.

Napag-alaman kong biologist ang sumulat ng nobela. Kita naman yun sa pagimbento niya ng mga termino (kahit hanggang ngayon wala pa rin akong kongkretong kahulugan ng 'freemartin').

Tungkol ang kwento sa siyempre, bagong mundo. Manufactured na ang mga tao. Kumpleto ang buong quality control. Pinapalaki sila sa bote, ine-engineer ang physical, social, intllectual at emotional well-being, hinihiwalay sa social classes at ang bawat class, may kani-kanyang set at limitasyon ng mga pwede at hindi pwedeng gawin (mula trabaho hanggang pakikisalamuha sa ibang tao). Nasa pinkamataas na posisyon ang 'world controllers'. Pero iba pa yun sa Alpha Double Plus (mga halimaw sa galing. bumabalik ang genius wannabe kong sarili) hanggang Gamma Semi-Moron at ang mga 'savage'. Mahalaga ang tao bilang bahagi ng isang mas malaking komunidad, kaysa bilang indibidwal. Diskriminado ang mga mapag-isa.Kaya sa palagay ko, si Bernard Marx ang bida. Nasa Alpha plus siya, at eksperto sa emotional engineering pero indibdwal siyang mag-isip kahit na minsan, nadadaig pa rin ng epekto ng kanyang chidhood neo-pavlovian conditioning.

Monday, July 10, 2006
Ang 'Brave New World' ni Aldous Huxley Part II

Naalala ko bigla ang linya sa kanta ng Hanson: "When you live in a cookie cutter world, being different is the same." Sa lagay ni Bernard, parang siya yung cookie dough na aksidenteng nayupi bago i-bake. Yun tipong, legal ang polygamy (at illegal ang monogamy) pero halos di siya nakikipagdate. Legal ang drugs (soma ang tawag nila) para sumaya pero kailangan pa siyang pilitin. Aware siya sa mga ideolohiyang napre-condition sa mga katulad niya at nakakapag-isip siya nang labas doon.
Habang nagbabasa ako, naisip kong ang sexist,racist at marami pang -ist ang kwento (mga character,sitwasyon at pwede rin mismong si huxley). Sabi sa blurb ng libro, satire daw ang nobela.Kaya siguro puno ng '-ist'. Pero satire ng ano? Maraming pwedeng issue: perfection, technology, collective thinking, civilization,family, roots, future at iba pa.
Gusto kong isipin na isang stand tungkol sa perfection ang Brave New World. Kahit nakakasakit ng ulo, ang hirap hindi isipin ng mga linyang "if nobody's perfect, how come practice makes perfect?". Kung iuugnay sa cookie cutter world na sinasabi ng Hanson, lalo lang magiging cyclic ang mga bagay. Human goal ang perfection, lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa buhay. Kaya nga may mga doktor at mga nag-iimbento ng kung anu-anong gamot at gamit para mapadali ang pamumuhay at mapahaba ang pagiging buhay. Pero achievable ba talaga ang perfection? Sabi sa dictionary, ang 'perfect' ay complete and whole, at utter or absolute. Hindi naman sa pagiging humanist pero sa pag-alter ba ng mga bagay, nakukumpleto ba sila? At kung makumpleto man, nagiging absolute ba?
Hindi ako masayadong fan ng absolutism. Hindi rin ako magaling sa philo kahit pa parang kanina pa ako nagphi-philosophize. Pero sa palagay ko,hindi imposible ang Brave New World. Kahit na de numero na ang takbo ng buhay, may kukuwestiyon na Bernard Marx na makakadiskubre ng isang savage na nagngangalang John. Sa huli, darating sa puntong mawawala ang lahat sa bilang nang walang nakakaalam.

Monday, December 25, 2006

Unang Post

Pagbasa sa
“Good and Evil”, “Good and Bad”
“Guilt”, “Bad Conscience” and the Like

ni Friedrich Nietzsche

Sinasabi na ang pinagmulan ng pagkakategorya ng kung ano ang mabuti at masama ay nagmula sa tunggalian ng ga uring nakatataas at iyong mga nasa baba. Hindi nagmuli ang mga terminong ito sa mga taong pinagpakitaan ng mabuti kundi sa mga nagpapalagay na sila ang mabuti. At iyon na nga ang mga nakatataas sa lipunan.Inangkin na nila ang pagpapagalan sa mga values. Mapapansin ito sa iba't ibang wika at kanilang mga panumbas sa salitang mabuti, kung saaan karamihan dito ay mga salitang maikakakbi din lang sa mga nasa itaas ng lipunan. Dahil naman sa kabaligtaran ng mga nasa ibaba ang nasa itaas, sa kanila na ipinataw ang direktang kabaligtaran ng mabuti, ang masama. Ngunit nabago ang oposisyon na ito ng mga Hudyo. Sa kanila, ang mga mahihirap ang siyang bibiyayaan (gaya ng nabanggit sa bibliya) at samakatuwid sila ang mabubuti. Tinawag itong slave revolt of morality. Ito ay bunga ng pinakamataas na uri ng pagkamuhi, kung saan nabago at nabaligtad ang mga ideals at values. Nagkaroon rin ito ng katumbas na uri ng pag-ibig (?). Nananalo na ang karaniwang tao sa banadnag ito. Lahat alos ay nagng Kritiyanisado.

Tungkol naman sa guilt at konsensya, sinasabing nagmula ito sa hayop na bingyan ng kapangyarihang manga ko—ang tao. Isa itong paraan kung saan nagkakapare-parehas ang tao sa tulong ng moralidad at social straightjacket. Pinagmamalaki ang responsibilidad na ito , na tila isang kapangyariha, at naging ngang konsensya. Nang dahil rin sa relasyon mula sa may utang at pinagkakautangan, nabuo ang konsensya. Ito naman ang nagbibigay kapangyarihan sa pinagkakautangan. Sa lagay ng relihiyon ito ang mga diyos na noon ay nagsisilbing taga-justify sa mga kasalanan ng tao. Samakatuwid, sa kanila nagmula ang evil. At sa mga panahong iyon, wala nang hihigit na parusa kaysa guilt.

Mapapansin sa dalawang sanaysay na tila ang pinagmumulan ng konsepto ng mabuti at masama ay iyong mga nasa mataas sa lipunan, dahil nasa kanila ang kapangyarihang dala ng kanilang antas. At dahil diyan, sila na rin ang nagkaroon ng invisible na kontrol sa lipunan. Naging bunga na nga nito ang pagkaguilty at konsensya kung saan hindi na kinakailangan ng presensya para ipakita ang kanilang kapangyarihan laban sa mas nakabababang uri.